INILUNSAD ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang makabagong sistema ng pagtaya ng panahon upang hindi na mabulaga ng mga parating na bagyo ang anumang panig ng bansa.
Tatawagin itong cosmo numerical model prediction mula sa Germany.
Kinumpirma ni PAGASA Administrator Nathaniel Servando, mas magiging mabilis at eksakto ang pagbibigay ng weather forecast sa lahat ng sulok ng Pilipinas kapag ginamit ang cosmo numerical mode prediction.
Magiging integrated na rin anya ang work station ng mga forecaster ng PAGASA kaya sabay-sabay nang makakalap ang mga impormasyon gaya ng pagmo-monitor sa papasok na Low Pressure Area (LPA), pagtaya ng buhos ng ulan, kaulapan at uulaning lugar.
Malilimitahan na rin ang mga manual error sa pagbibigay ng lagay ng panahon.
Nabatid pa kay Servando na ang bagong sistema ay nagkakahalaga ng P57 milyon.