SINISISI ngayon ng mga kongresista sa pagkaltas sa pondo ng mga state universities and colleges ang pagpapakamatay ng UP student na si Kristel Tejada.
Giit ni Gabriela Rep. Luzviminda Ilagan na palpak ang naging desisyon ng administrasyosng Aquino na kaltasan ang pondo ng mga unibersidad para sa Socialized Tuition and Financial Assistance Program (STFAP) nito sa taunang badyet ng gobyerno.
“Education as a right demands that schools exercise flexibility and maximum consideration. I blame government’s lopsided priorities and the school’s mechanical and insensitive implementation of a policy,” ani Ilagan.
Nitong March 15 ay nagpakamatay si Tejada sa kanilang tahanan sa Tayuman dahil sa kabiguang makapagbayad ng matrikula na nagkakahalaga ng P10,000.
Sa panig naman ni Quezon City Rep. Winston Castelo, sinabi niyang masyadong mahigpit ang STFAP policy .
Dapat aniyang sisihin sa insidenteng ito sa UP ang kaltas na P1 bilyon sa pondo sa SUCs.
“I have openly advocated for free college education for our people. In this globalized and complex world, a college education is a matter of ultimate necessity, but free college education is a function of collected revenues,” giit pa ni Castelo.