Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Banta sa buhay ng mga Kiram kinumpirma ng ISAFP

$
0
0

INIHAYAG ng tumatayong adviser ng Sultanato ng Sulu na kinumpirma ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) ang pagdating sa Pilipinas ng “assassination team” na galing sa Malaysia upang likidahin siya gayundin si Sultan Jamalul Kiram III.

Ayon kay Pastor Boy Saycon, adviser ng Sultanato ng Sulu, batay sa natanggap niyang impormasyon mula sa kaibigang abogado at consultant ng kumpanya na nasa likod ng assassination plot, pinamumunuan ng isang Malaysian colonel ang grupo na may apat pang military men kung saan ay nag-check-in sa Maxims Hotel kahapon.

Kinumpirma naman ito ng mga tauhan ng ISAFP ngunit nang kanilang bineripika ay nakatunog ang mga ito kaya agad na nakapag-alsa balutan.

Ayon pa kay Saycon, may nire-recruit rin ang grupo na tatlong Pilipino na mga “hitman” na pawang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Quezon.

Kumpirma rin na Malaysian ang opisyal dahil mula sa Malaysia ang numero ng telepono na ginamit na pantawag sa kaibigan niyang abogado.

Dagdag pa ni Saycon, nakatakda silang magpunta sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) upang iulat ang naturang “assassination plot” laban sa kanila.

Nagtataka rin ang kampo nila Saycon kung paano nakapasok ng Pilipinas ang grupo ng mga Malaysian kung saan naghigpit na ng seguridad ang Sultanato at mga kaanak nito.

Samantala, sinabi naman ni Southern Police District (SPD) Director Chief Supt. Jose Erwin Villacorte na iniimbestigahan na nila ang planong asasinasyon sa pamilya Kiram at nakatakdang makipag-ugnayan kina Saycon hinggil dito.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>