MAY sapat na suplay ng kuryente sa General Santos City at iba’t ibang bahagi ng Mindanao sa pagsapit ng eleksyon sa Mayo.
Ito ang tiniyak ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte sa kabila ng dumaranas ng pitong-oras na brownout sa mga nasabing lugar.
“I understand that si Secretary (Carlos Jericho) Petilla has also assured our citizens in that area that the DOE will be working with the energy stakeholders there to assure that there will be adequate power for the elections, during the actual election day,” ayon kay Usec. Valte.
Napaulat na nababahala na ang mga tao sa GenSan dahil sa tagal ng brownout na kanilang nararanasan at nangangamba rin sila na maapektuhan ang eleksyon doon lalo na para sa gagamiting precinct count optical scanner (PCOS) machines.
Kaugnay nito, sinabi rin ng opisyal na aalamin nila sa DOE kung mayroong isinasagawang rehabilitasyon o pagkukumpuni ang DOE kaya’t dumaranas ng ganoong katagal na brownout ang mga residente roon.