DAHIL sa mahigpit na ngayong ipinagbabawal ng Department of Education o DepEd ang pangungulekta ng mga eskuwelahan sa mga graduation rites bibigyan ng financial subsidy na halagang P10,000. Ang pamahalaang lungsod Quezon sa bawat paaralan na kanilang nasasakupan sa lungsod.
Layunin ng pagbibgay subsidiya ay maayudahan ang may 142 mga paaralan sa lungsod hinggil sa kakapusan nila sa pondo.
Maglalaan umano ng halagang P1.42 milyong pondo ang pamahalaang lungsod na maaaring magamit ng mga school administrators para sa repair o paglalagay ng stage, renta ng sound system gayundin sa mga kailangang upuan, lamesa ,mga pang dekorasyon at iba pang graduation expenses.
Sinabi ni QC Mayor Herbert Bautista na bagamat may panawagan ang DepEd na gawing simple ang mga graduation rites sa QC, naiintindihan niyang may ilang mga paaralan ang hindi makakayanan ang mga pangangailangan ng paaralan para sa kanilang mga graduating students para maging memorable ang kanilang graduation.
Una nang lumagda sa isang memorandum of agreement si Bautista at mga opisyal ng QC Public Elementary School Principals Association (QC-PESPA) at ng QC Secondary Principals and Supervisors Association (QC-PRINSA) para maipormalisa ang paglalaan ng subsidy na kukunin sa QC general fund.
Sa kasalukuyan, ang QC ang may pinakamaraming school-age population sa bansa.