ISANG malaking hamon para sa mga kandidato ng United Nationalist Alliance o UNA ang resulta ng pinakahuling Pulse Asia survey kung saan apat lamang sa mga kandidato ng partido ang pasok sa Magic 12.
Sinabi ni UNA campaign manager at Navotas Rep. Toby Tiangco na kung pag-aaralang mabuti ang survey ay halos magkakadikit lamang ang numero o ratings ng kanilang mga kandidato sa mga pambato ng Liberal Party.
Sa halip na manlumo ay dapat pa, aniyang, magsikap ang UNA senatorial bets upang madadagdagan pa ang mga senatoriables na makakapasok sa Magic 12.
Tiniyak pa nito na maayos ang plataporma at hangarin ng kanilang mga kandidato kaya’t tiyak na aangat pa ang mga ito sa mga susunod pang survey.