DAHIL sa labis na depresyon sa buhay bunga ng kawalan ng trabaho nagbigti sa sarili ang isang 24 anyos na lalaki sa kanilang tahanan sa Brgy. Pinyahan, Quezon City kahapon ng umaga Marso 9, 2013 (Sabado).
Wala ng buhay ng madeskubre ang bangkay ng biktima na kinilalang si Jayson Manguite residente ng Mabilis Street Barangay Pinyahan, QC.
Ayon sa ulat ni SPO1 Johnny Mahilum ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), dakong 8:00 ng umaga kahapon nitong nakalipas na Sabado ng madeskubre ang bangkay ng biktima sa loob ng kanyang bahay sa Mabilis Street, Brgy. Pinayahan, QC.
Sa ulat, nakadeskubre ni Lorna Basiloy ang bangkay ng biktima matapos magtungo ito sa bahay ng biktima upang mangutang sana ng pera sa kaanak ng biktima na si Liza Pinca.
Ngunit wala, aniyang, sumasagot sa bahay ng biktima kung kayat pumasok ito sa bahay ng biktima.
Laking gulat nito nang makita ang biktima na nakabigti gamit ang sintas ng sapatos na ipinulupot sa leeg at itinali sa likod ng isang mabigat na upuang kawayan.
Ayon sa mga pulis nakaluhod, aniya, ang biktima nang madatnan nila itong wala ng buhay.
Isinailalim na sa awtopsiya ang bangkay ng biktima para mabatid ang dahilan ng pagkamatay nito.