Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Motor sinalpok ng bus; 3 binatilyo patay

$
0
0

URDANETA CITY – Patay and tatlong binatilyo na nakasakay sa isang motorsiklo matapos itong banggain ang isang bus sa nasabing lungsod noong Linggo ng gabi.

Kinilala ng Urdaneta City Philippine National Police ang biktimang sina Bryan Emil Asanyon, 15; Benidict Akindi, 17; at Ararat Mamacol, 17, pawang mga taga Barangay Sto. Domingo, Urdaneta City.

Samantala ang driver ng bus ay nakilalang si Dion Asperra, 43, ng Tebag West, Sta. Barbara, Pangasinan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, tinatahak ng mga biktima ang national highway ng Poblacion, Urdaneta ng salpukin ng bus na lumiliko sa isang main crossing section ng nasabing daan.

Napag-alaman na ang mga biktima ay lasing at walang mga suot na helmet noong mangyari ang insidente at ang nasabing driver ng motorsiklo ay walang driver’s license.

Si Asperra ay sumuko sa Urdaneta police station pagkatapos ang insidente at siya ay nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide at kasalukuyang nakapiit sa local police detention cell.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>