Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trabaho para sa mahihirap dapat tutukan ni PNoy – Obispo

$
0
0

JOB creation o paglikha ng maraming trabaho para sa mahihirap ang dapat na tutukan ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III ngayong taong 2013.

Ito ang iginiit kahapon ni Tagbilaran Bishop Leonardo Medroso.

Ayon kay Medroso, bagama’t sinasabing gumaganda ang ekonomiya ng bansa ay hindi naman aniya ito nararamdaman ng mga maralita.

Bilang katunayan aniya ay marami pa ring mga Pilipino ang lumalabas ng bansa at nakikipagsapalaran sa ibang bansa dahil wala silang nakukuhang trabaho sa Pilipinas.

Iginiit pa ng Obispo na higit na pakatutukan ng pamahalaan ang pagtataguyod ng mga programa at kabuhayan sa mga kanayunan.

“Ang sinasabi kasi ngayon na ang ating piso ay getting stronger and stronger. Pagkatapos our economy is really brighter and brighter but dumarami ang mga mahihirap.  Marami ang mga taong no jobs at all. Hindi nila ito nararamdaman. Siguro upper bracket ay nararamdaman nila ang pag-angat pero sa baba hindi. Katunayan, marami pa rin ang nakikipagsapalaran abroad,” ani Medroso, sa panayam sa radyo.

“Sana, this year 2013 ay pakatutukan ng pamahalaan ni Pangulong Aquino ang job creation lalo na sa mga kanayunan,” aniya pa.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>