Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Habang nagpipintura ng gusali, binata utas sa kuryente

$
0
0

PATAY ang 20-anyos na binata nang halos matusta ang katawan makaraang pumasok sa katawan ang libo-libong boltahe ng kuryente habang nagpipintura sa isang gusali sa Pasay City nitong Sabado ng hapon.

Naiulat lamang ngayon sa tanggapan ng pulisya ang pagkamatay ng biktimang si Darwin Oliquino, tubong Tinanugan, Donsol, Sorsogon matapos humingi ng tulong ang kanyang amang si Erwin Oliquino, 45, na maimbestigahan ang pangyayari.

Agad na nagtungo sa Manila Sanitarium Hospital sina SPO2 Joel Landicho at SPO1 Jonathan Bayot ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS) ng Pasay police kung saan unang isinugod ang biktima at dito nila nalaman na inilagak na sa Rizal Funeral Parlor ang biktima matapos ideklarang dead on arrival sanhi ng matinding pinsala sa buong katawan.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, inupahan ng pamunuan ng Carmen Building na nasa kanto ng Gil Puyat Avenue at F. Fernando St., ang biktima at kasamang si Randy Perregil na pinturahan ang labas ng gusali noong Sabado.

Matapos mapintahan ang labas ng gusali, umakyat sa rooftop ang dalawa bago mag-ala-1 ng hapon at habang hinihila pataas ang bakal na hagdanan, bigla itong sumayad sa high tension wire ng Meralco na naging dahilan upang sumiklab at pumasok sa katawan ng biktima ang libo-libong boltahe.

Masuwerteng hindi naman nasaktan si Perregil kaya’t siya na ang nagsugod sa kasama sa pagamutan.

Inaalam pa ng pulisya ang pananagutan ng pamunuan ng naturang gusali sa nangyaring trahedya.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>