IPINAGHARAP ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng tax evasion case sa Departmentof Justice (DOJ) ang dating abogado ni dating ARMM Gov. Zaldy Ampatuan.
Si Atty. Redemberto Villanueva ay ipinagharap ng paglabag sa National Internal Revenue Code of 1997 matapos mabigong magdeklara ng tama ng kanyang Income Tax Returns para sa taong 2010 at 2011.
Ayon kay BIR Comm. Kim Henares, aabot sa P36.93 milyon ang hinahabol na tax liability ng pamahalaan kay Villanueva.
Si Villanueva ang ikalawang abogado ng mga Ampatuan na kinasuhan ng BIR.
Paglilinaw naman ni Henares na hindi naman nila sinasadya ang paghahabol sa abogado ng mga Ampatuan at nagkataon lamang na may natanggap silang impormasyon hinggil sa hindi nito pagbabayad ng tamang buwis.