Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Deadline ng pagsumite ng aplikasyon para sa CSE-PPT sa Gitnang Luzon sa Huwebes na

$
0
0

SAN FERNANDO, Pampanga – Pinaalalahanan ng Civil Service Commission (CSC) Regional Office 3 ang mga taga-Gitnang Luzon na sa Huwebes, Pebrero 28, na ang huling araw ng pagsumite ng aplikasyon para sa April 14 Career Service Professional at Subprofessional Paper and Pencil Tests.

Ayon kay CSC Central Luzon information officer Diana Henson, ang mga pagsusulit ay bukas sa lahat ng Pilipino edad 18 pataas na may good moral character, hindi nahatulan ng guilty sa kahit anong kaso o ‘di kaya ay natanggal sa government service dahil sa imoral na gawain at hindi kumuha ng kahalintulad na lebel ng career service test sa loob ng tatlong buwan.

Ang mga exam ay binubuo ng mga sumusunod na paksa: A) Para sa Professional- (In English and Filipino) – vocabulary, grammar and correct usage, paragraph organization, reading comprehension, analogy, logic at numerical reasoning B) Para sa Subprofessional (In English and Filipino)- vocabulary, grammar and correct usage, paragraph organization, reading comprehension, spelling, clerical operations at numerical reasoning.

May General Information test din para sa Professional at Subprofessional na sasaklaw sa a) Philippine Constitution, b) The Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees (R.A.6713), c) Peace and Human Rights Issues and Concepts at d) Environment Management and Protection.

Sabay-sabay na isasagawa ang mga eksaminasyon sa 30 na lugar sa buong kapuluan kabilang na ang mga lungsod ng San Fernando sa Pampanga, Cabanatuan sa Nueva Ecija, at Malolos sa Bulacan.

Ang mga aplikante ay dapat makakuha ng gradong hindi bababa sa 80 porsyento para makapasa at magawaran ng eligibility na siyang susi sa pagkakaroon ng trabaho sa gobyerno.

Ang mga requirements at application form ay maaring ma-download sa official website ng komisyon na www.csc.gov.ph .

Para sa mga katanungan, maaring tawagan ang regional office ng CSC sa Pampanga sa mga numerong (045) 455-3241, 455-3242, 455-3244 at 455-3245 o di kaya ay bisitahin ang kanilang provincial office sa inyong lugar.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>