KINUMPIRMA ni Philippine Coast Guard (PCG) Commandant Rear Admiral Rodolfo Isorena na nakaposisyon na ang 9 na barko na tutulong sa salvage operayion sa sumadsad na USS Guardian sa Tubbataha Reef.
Ayon kay Isorena, nakamonitor na ang BRP Davao del Norte ng gobyerno at iba pang barko sa actual dismantling na ginagawa ngayon ng US Navy.
Ang BRP Davao del Norte din aniya ang siyang naatasan na mag-monitor sa operasyon ng US Navy.
Kabilang sa mga barkong tutulong sa nasabing operasyon ay ang US Navy vessels Salvor at Wally Schirra; Singaporean crane ships Jascon 25, Smit Borneo at Archon Tide; Malaysian salvage vessel Trabajador 1 na may barge S-7000, at ang tugboat Intrepid.
Umaasa naman ang PCG na lalo pang gaganda ang panahon upnag matapos ang salvage operation ng US Navy bago ang itinakdang petsa sa Abril.