PINANGUNAHAN ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagdiriwang ng ika-113 anibersaryo ng kanilang police service na ginawa sa Kampo Crame ngayong araw.
Tampok sa nasabing okasyon ang pagkakaloob ng parangal sa ilang piling unit ng PNP habang binigyan din ng pagkilala ang ilang mga tauhan nito.
Ilan sa mga pinangaralan ay sina PNP Deputy Chief for Administration Felipe Rojas at CIDG Director Chief Supt. Benjamin Magalong.
Anti-Cybercrime Group, CIDG, PNP Region 9 habang may special award ding natanggap ang PNP-AIDSOTF, President Roxas Municipal Station sa Bohol at Abra Police Provincial Office.
Samantala, ibinalik na sa serbisyo ang 17 mga pulis na nasangkot sa Parañaque City shootout noong 2008.
Kinumpirma ni PNP Special Action Force Dir. Chief Supt. Getulio Napeñas, kaugnay na rin ito ng desisyon ng Court of Appeals (CA) na nagpatibay sa pagkaka-abswelto ng grupo ni Police Supt. Jonathan Calixto.
Magugunitang sakay ng isang Isuzu Crosswind ang mag-amang Alfonso at Lia de Vera nang paulanan ng bala ng mga pulis sa United Parañaque Subdivision noong December 5, 2008 matapos umanong mapagkamalang miyembro ng Waray-Waray Ozamis Robbery Syndicate na noo’y nakikipagbarilan sa mga ito. Johnny F. Arasga