MAGKAHIWALAY na kasong graft ang isinampa ng Ombudsman laban kay dating TESDA Director Augusto “Buboy” Syjuco at asawa nitong si dating Iloilo Rep. Judy Syjuco.
Kaugnay ito sa maling paggamit ni Congresswoman Syjuco ng kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) na nagkakahalaga ng P20-milyon.
Ayon sa Ombudsman, inilaan ni Ginang Syjuco sa TESDA ang nasabing pondo na pinamumunuan ng kanyang mister sa ilalim ng education for all project.
Bukod sa mag-asawang Syjuco, kinasuhan din ng kasong graft sina TESDA Director General Santiago Yabut at ang pangulo ng Tagipusuon Cooperative na si Maria Nela Yniesta. Johnny F. Arasga