MASUSING pag-uusapan sa Lunes (Enero 7) ng mga opisyal ng Commission on Elections (Comelec) ang ilalatag na panuntunan at training ng diplomatic personnel bilang paghahanda sa nalalapit na midterm elections.
Ayon kay Comelec Commissioner Lucenito Tagle pitong (7) areas na saklaw ng Overseas Absentee Voting ang isasailalim sa automation kaya mahalagang magkaroon ng kasanayan ang diplomatic at embassy personnel sa paggamit ng Precinct Count Optical Scan (PCOS) machines.
Kabilang sa mga lugar na ito ang HongKong, Singapore, Abu Dhabi, Jeddah, Kuwait, Dubai at Riyadh na padadalhan ng dagdag na 35 PCOS machines.
Sa mga naturang lugar, HongKong ang siyang may pinakamataas na bilang ng registered voters na umaabot sa 101, 482.
Pumapangalawa naman ang Singapore na may 36, 323 registered voters at Abu Dhabi na may 21, 418 registered voters.