DAKIP ang pedicab driver na gumahasa sa batang babae sa Sindangan, Zamboanga del Norte.
Kinilala ang suspek na si Ricardo Mejos, 33, ng Lawis Sindangan habang ang 11-anyos na biktima ay itinago sa pangalang Hanix.
Sa imbestigasyon, bago ang insidente ay nakiupo ang biktima sa pedicab ng kapitbahay na naka-park lamang sa gilid ng kalsada.
Nang makita ng suspek ang biktima ay pwersahan siyang pinasakay sa pedicab na pagmamay-ari nito at dinala sa kanyang bahay.
Sinasabing naisakatuparan ng suspek ang balak sa menor de edad sa mismong kwarto nito.
Matapos ang insidente ay nagawa raw pumuslit mula sa kamay ng suspek ang biktima at agad nagsumbong sa kanilang punong barangay. Gina Roluna