Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

BBL imposible ngayong taon

$
0
0
DUDA ang liderato ng Kamara na mapagtitibay pa ngayong taon ang panukalang Bangsamoro Basic Law.
Mismong si House Speaker Feliciano Belmonte, Jr. ang nagsabing hindi niya kayang i-commit ang Kamara na mapagtitibay ang BBL hanggang sa buwan ng Deciembre.
Ito ay dahil patuloy aniyang naaantala ang pagsusumite ng Malakanynag sa draft ng BBL sa Kongreso.
Iginiit ni Belmonte na nauubos na ang panahon ng Kongreso samantalang marami ang sabay-sabay na priority measures at marami pang mga kongresista ang siguradong hihimay sa BBL kapag naisalang na ito sa Kamara.
Maging si Basilan Rep. Jim Hataman-Salliman, chairman ng House Special Committee on Peace, Reconciliation and Unity na isa sa bubuo ng ad hoc committee na tatalakay sa BBL ay ganito rin ang sentimiyento.

Mahirap na kasi aniyang matugunan ng mga kongresista ang deadline sa pagpapatibay sa BBL pero maipapangako umano nilang magdo-double time sa pagdinig sa oras na maisumite na ng Malakanyang sa Kongreso ang panukala.

Naunang sinabi ni House Majority Leader Neptali Gonzales II na hindi pa maisusumite ng Malakanyang sa Kongreso ang panukalang BBL dahil muli aniyang pinag-aaralan ng panel ang legalidad nito.

Ito aniya ay upang matiyak na walang probisyon sa saligang batas ang lalabagin ng BBL. Meliza Maluntag


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>