BUKAS na ipatutupad ang dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo, Lunes, Agosto 4.
Simula alas-12:01 ng madaling-araw, magiging epektibo ang P0.75 na pagtatapyas sa presyo ng kada litro ng gasolina ng Petron, SeaOil at Shell.
Habang magpapatupad naman ng umentong P0.35 sa kada litro ng diesel at P0.25 ang madadagdag sa kada litro ng kerosene ng mga ito.
Magbabawas ang Flying V ng P0.90 sa kada litro ng gasolina habang may dagdag-presyo ito na P0.40 sa kada litro ng diesel.
Bandang alas-6:00 ng umaga asahang magtatapyas-presyo ang Phoenix Petroleum na P0.75 sa kada litro ng gasolina at dagdag na P0.35 sa kada litro ng diesel. Gina Roluna