Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

SONA ni PNoy pasado sa mga ‘di kaalyado

$
0
0

UMANI ng reaksyon sa Senado ang emosyunal na ika-limang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Noynoy Aquino nitong Lunes kasabay ng pagbubukas ng 2nd regular session ng 16th Congress.

Ikinagulat ni Sen. Nancy Binay ang pagiging kalma ng talumpati ng Pangulo bagama’t nakulangan siya sa usapin ng job generation at lumalalang problema sa enerhiya sa bansa.

“It was also noteworthy that the President personally thanked the countries that helped us during the times of crisis. I believe that the SONA was the best venue to show our gratitude,” ani Binay.

Bigo rin ang pag-asa ni Sen. Sonny Angara na mabanggit ni PNoy ang isang konkretong solusyon ng administrasyon sa pagtugon sa enerhiya.

Gayunpaman, tinawag niyang ‘sincere speech’ ang SONA ng Pangulo.

“I would have wanted to hear more about the concrete solutions of the administration in addressing the looming energy crisis. But otherwise,it was a direct-to-the-point and sincere speech. I was thrilled upon hearing the good news about jobs and scholarship programs,” ayon sa solon.

“Although the President did not mention FOI, I am still optimistic that this important measure will be passed under his leadership,” reaksyon naman ni Sen. Grace Poe sa hindi pagkakasama ng FOI sa talumpati ni PNoy.

“Habang maraming mga importanteng paksa ang hindi nabanggit at natugunan sa SONA, I feel that this was his most decent,” saad ni Sen. Bong Revilla na nakakulong dahil sa kasong plunder.

Aniya, pinili ni PNoy na sumentro sa mga programa at proyekto sa halip na magpa-macho, mamulitika, at magpatutsada.

Kung mula aniya noong 2010 ay ganito ang kanyang naging attitude at pananaw sa panunungkulan, napagkaisa sana niya ang bansa.

“Mas marami sana siyang nagawa.  His being emotional shows this realization,” ani Sen. Bong Revilla na nakakulong dahil sa kasong plunder kaugnay sa pork barrel scam.

Pinuri naman ni suspended Sen. Jinggoy Estrada ang SONA dahil tinukoy nito ang mga proyektong natapos para sa pakinabang ng mas nakararaming Pinoy.

“Truly, it can be said to be an “Ulat sa Bayan,” ayon sa solon na nakakulong din dahil sa plunder case kaugnay sa anomalya sa PDAF.

“We must give credit to the Aquino government for steering the Philippine economy into becoming one of the region’s most resilient and robust,” ani Estrada.

Bigo lamang aniya ang kaniyang pag-asa na kilalanin ang ang ating overseas Filipino workers at ang kanilang ‘di mapapantayang kontribusyon sa ekonomiya ng bansa.

“Also, it was quite glaring that the Freedom of Information bill was left out amidst the clamor of the general public for greater accountability and transparency in the government,” dagdag pa nito.  

Sinabi naman ni Senate Pres. Franklin Drilon na binigyan ni PNoy ng mukha ang tagumpay ng kaniyang mga polisiya, ang paglago ng ating ekonomiya. Linda Bohol


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>