LABINGWALONG sibilyan ang nalagas kabilang ang sampung kababaihan habang 13 naman ang sugatan sa pang-aambusin ng pinaghihinalaang Abu Sayyaf Group sa Sulu kaninang umaga, Hulyo 28, ayon sa ulat ng militar.
Bukod sa mga namatay na sibilyan, kabilang din sa mga kaswalidad ay mga miyembro ng Barangay Police Action (BPA) team.
Sugatan naman at isinugod sa iba’t ibang pagamutan ang labingtatlong iba pa kabilang ang ilang menor-de-edad.
Marami naman ang nakaligtas at hindi tinamaan ng pangraratrat ng mga bandido.
Sa ulat, naganap ang insidente dakong 8:30 ng umaga sa isang bisinidad ng Lower Lumapid, sa Talipao town.
Bago ito, 50 sibilyan at BPA teams ang lulan ng dalawang Tamaraw jeep nang pagsapit sa lugar ay pinagraratrat ng mga bandidong tauhan nina kumander Idang Susukan at Sibih Pisih.
Hinahanting na ngayon ng awtoridad ang mga nasabing bandido para panagutin sa krimen.
Hindi naman makumpirma kung ano ang motibo sa pananambang pero isa sa sinisilip na dahilan ay pag-aakalang lulusob ang militar. Robert C. Ticzon