TINANGHAL na “The Voice Kids Philippines” Grand Champion si Lyca Gairanod na tubong Cavite at isang “basurera” sa ginanap na grand finale sa the Newport Performing Arts Theater in Resorts World Manila nitong nakaraang Linggo, July 27, 2014.
Si Lyca, na pinakabatang finalist ng nasabing patimpalak ay nanalo dahil sa siya ang may pinakamaraming botong nakuha mula sa performance nito noong Sabado at Linggo.
Mula sa Team Sarah si Lyca kasama ang 1st runner-up na si Darren, na sinundan pa nina Juan Carlos Labajo at Darlene Vibrares mula sa Team Bamboo at Lea.
Pinahanga ni Lyca ang mga coach at audience sa pagkanta ng “Narito Ako” ni Regine Velasquez at “Call Me Maybe” ni Carly Rae Jepsen noong Sabado, ngunit ang nagpakilabot sa buong venue ay ang kanyang “Basang-Basa sa Ulan” ng Aegis kung saan kasama niya ang mga ito.
Ayon kay Lyca na nagpakita ng kakila-kilabot na performance, idolo niya ang grupong Aegis na nakasama niya sa kanyang performance kung saan sari-saring hiyawan ang palakpakan mula sa audience ang natanggap niya.
Mula sa beinte pesos na ibinibigay sa kanya na makikita sa litrato (courtesy of lionhearTV) para lamang mapakanta siya, ay tumataginting na P1 million cash, at P1 million worth of trust fund ang nakamit ng batang kampeon sa TVK Phl.
Bukod sa P2 million, meron pa siyang 1-year recording contract mula sa MCA Universal, bahay at lupa mula sa Camella Homes, Home appliance showcase at musical instrument showcase.
Si Lyca ay anak ng isang mangingisda na tumutulong na magbasura sa kanyang ina at aniya pa, pinapakanta siya ng kanilang mga kapitbahay kapalit ng pera at pagkain.
Ang finale naman ng “The Voice Kids Philippines” ang nagbigay sa kanila ng all-time high national TV rating noong Sabado, 37.7% at 37.2% noong Linggo. Gilbert Mendiola