MULING nagpapatanim si Quezon City Mayor Herbert Bautista ng maraming puno sa lungsod para mapalitan ang mga punong nabuwal ng bagyong Glenda.
Inasatan ni Bautista si Parks Development Administration Department (PDAD) Chief Engr. Zaldy Dela Rosa para maghanap ng mga half-grown trees mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) at iba pang posibleng mapapagkunan, para maitanim sa iba’t ibang lugar sa lungsod.
Kasabay nito, inutusan na rin ni Bautista ang Barangay Operation Center (BOC) para maglatag ng isang memorandum na nag-aatas naman sa 142 barangay ang pangangasiwa sa mga tinanim na mga puno.
Sinabihan din ni Bautista ang engineering department, PDAD at ang Department of Public Order and Safety (DPOS) ang pagsasagawa ng tree trimming operation para mailigtas pa ang mga punong nasalanta, partikular ang mga sa bangketa.
Noong Marso at Abril pa aniya ay pinaalalahanan na niya ang mga QC Hall officials na magsagawa ng trimming operation sa lahat ng lugar sa QC.
“Matagal ko na sinabi na magputol na tayo ng mga sangga ng mga puno bilang paghahanda sa tag-ulan. Kung nagawa agad ‘yun naiwasan sana ang malaking bulto ng basura at pagkatumba ng mga puno kasi magiging magaan ang mga sangga nito,” panghihinayang ni Bautista. Robert C. Ticzon