MAPAYAPA ang selebrasyon ng ika-100 anibersaryo ng Iglesia ni Cristo sa Ciudad de Victoria sa Bocaue, Bulacan, kaninang umaga, Hulyo 27.
Sinabi ni PNP Region 3 Director, Chief Supt. Raul Petrasanta na walang krimen ang naiulat sa Ciudad de Victoria.
Umabot sa 1.5 milyong supporters ng INC ang dumalo sa nasabing sentenaryo.
Sa talaan ng Bureau of Fire Protection (BFP), mahigit 158 ang binigyan ng first aid at isinakay sa ambulansiya.
Kabilang sa mga binigyan ng first aid ay dahil sa hirap sa paghinga, nilagnat, nasuka, nasugatan at nahilo bunsod ng mainit na panahon at pag-ulan sa naturang lugar at karagdagan pa ang mahabang lakaran.
Sa datos naman ng Department of Health (DOH), isang buntis ang nag-labor sa gitna ng anibersaryo at isinugod at paanakin sa Valenzuela City Medical Center.
Sa report ng Task Force Sentenaryo nasa siyam ang naisugod sa ospital.
Pasado alas-9 ng umaga nang nagsimulang magsiuwian ang mga dumalo sa sentenaryo.
Unti-unti namang lumuluwag na ang trapiko sa lugar. Robert C Ticzon