NAGBARIL sa sarili sa loob ng sasakyan ang manager ng isang machine shop sa General Santos City kaninang umaga, Hulyo 27.
Dead on arrival sanhi ng tama ng bala ng caliber 40 pistol sa kanang sentido ang biktimang si Edwin Magpantay, 39, ng Naranjita St., General Santos City.
Sa ulat, naganap ang insidente alas-10:25 ng umaga sa harapan mismo ng Edwin-Ian machine shop and Engineering Services na nasa Makar Highway, GenSan City.
Lumabas sa imbestigasyon na biglang nagbaril na lamang ang biktima sa ulo habang nasa kanyang Nissan Altima. Robert C Ticzon