UMAABOT sa P40 milyon ang naging pinsala ng magnitude 5.4 na lindol na tumama sa Southern Leyte nitong Biyernes batay na rin sa report ng Southern Leyte Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council.
Bukod sa pinsala, nasira rin ang mahigit 40 bahay sa Hinundayan maging ang ilang paaralan at simbahan.
Pinag-aaralan pa ang pagpapaayos ng provincial hospital sa bayan ng Anahawan na isa rin sa matinding napinsala
Matatandaang naramdaman ang lindol sa intensity VI sa Hinunangan at St. Bernard, Southern Leyte habang intensity IV sa Tacloban City; intensity III sa Palo, Leyte; intensity II sa Cebu City, Talisay City at Surigao City; at intensity I sa Lapu Lapu City. Gina Roluna