MAHIGPIT na ipatutupad simula sa Agosto ang half cup rice ordinance sa Cagayan de Oro City (CDO).
Nakasaad sa ordinansa na dapat isali na sa menu ng food establishments ang half-cup rice o kalahating takal na kanin na may kalahating presyo.
Sinabi ni Councilor Annie Daba na layon ng naturang hakbang na maibsan ang pagsasayang ng bigas na kalimitang hindi nauubos ng mga customer.
Padadalhan ng kopya ng nabangit na ordinansa ang mga kainan sa Cagayan de Oro. Johnny F. Arasga