INAASIKASO na ng local government unit ng Valladolid sa Negros Occidental ang mga residente na naapektuhan sa pagtama ng buhawi sa naturang bayan.
Sa kumpirmasyon ni Mayor Romel Yogore, pitong barangay sa kanyang bayan ang sinalanta ng buhawi.
Ito ay kinabibilangan ng barangay Tabao 1, Guintorilan, Poblacion, Palaka, Ayungon, Mabini at Lacaron.
Umabot naman sa 12 kabahayan ang totally damaged at 28 ang partially damaged, habang isa ang sugatan.
Maliban dito, nabuwal ang isa sa 32 puno na century old acacia sa plaza ng bayan dahil sa lakas ng hangin.
Ayon sa alkalde, bumuhos ang napakalakas na ulan sa kanilang lugar kahapon at sinundan ng napakalakas na ihip ng hangin na sumira sa mga kabahayan. Marjorie Dacoro