UMAABOT na sa 47 katao ang naitalang patay sa plane crash sa Taiwan matapos magkaroon ng aberya ang isang passenger plane bago mag-landing.
Ayon sa mga awtoridad, lulan ng Taiwanese airline TransAsia Airways flight GE222, ang 58 katao na nag-crash bago mag-landing sa Magong airport malapit sa Penghu island.
Napag-alamang nag-request pa ang piloto ng second attempt para mag-landing ngunit bigo pa rin itong makaabot sa runway.
Ayon sa Taiwan’s Civil Aeronautics Administration na si Shen Chisa, posibleng aabot sa 51 katao ang patay at pito ang sugatan sa nasabing insidente. Marjorie Dacoro