Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Pagsasabatas sa Graphic Health Warnings ikinatuwa ng DoH

$
0
0

KUMPIYANSA ang Department of Health (DOH) na malaking tulong ang Republic Act 10643 o Graphic Health Warnings sa Tobacco Products para makamit ng bansa ang pangarap na magkaroon ng mas malinis na hangin at mas malulusog na mamamayan.

Ayon kay Health Secretary Enrique Ona, sila sa DOH, ay labis na natutuwa sa paglagda ni Pangulong Aquino sa naturang batas.

Tiwala rin ang kalihim na sa tulong ng naturang batas ay tuluyan nang mababawasan ang bilang ng mga taong naninigarilyo sa bansa.

“We, at the Department of Health together with other health advocates, are confident that the graphic health warnings on the cigarette packs, coupled with the result of ‘sin tax’ law of 2013 on the prices of tobacco products, will reduce smoking,” ani Ona, sa isang pahayag.

“The signing of R.A. 10643 that mandates the display of graphic health warnings on tobacco products is another milestone in our noble quest to fight all possible threats to public health and pursue a healthier future for every Filipino,” aniya pa.

Ang paninigarilyo ay kilalang sanhi ng mga sakit na emphysema, lung cancer, heart disease at chronic obstructive pulmonary disease (COPD).

Kamakailan ay nilagdaan na ni PNoy ang R.A. 10643 (An Act to Effectively Instill Health Consciousness through Graphic Health Warnings on Tobacco Products).

Sa ilalim ng naturang batas, inaatasan ang mga cigarette manufacturers na gamitin ang pang-ibabang bahagi ng pakete ng sigarilyo bilang display area para sa mga larawan na nagpapakita sa masamang epekto ng paninigarilyo sa kalusugan ng tao.

Sa pamamagitan nito ay maiimpormahan ang mga mamamayan sa kahihinatnan nila sakaling ipagpatuloy nila ang paninigarilyo at inaasahang mahihikayat silang itigil na ang kanilang naturang bisyo. Macs Borja


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>