CURRIMAO, ILOCOS NORTE – Nagpakamatay ang isang mister sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili matapos hiwalayan ng kanyang misis sa Barangay Lioes, Currimao, Linggo ng hapon, Hulyo 20.
Kinilala ng Currimao police ang biktima na si John Melan Peralda, ng Barangay Lioes, nasabing bayan.
Ayon kay investigator PO3 Leonardo Batulayan, isang nylon cord ang ginamit ng biktima sa kanyang pagpapatiwakal sa loob ng kanilang bahay.
Sinabi ni Batulayan, nag-away sila ng kanyang asawa na galing abroad at hiniwalayan ang biktima.
Ilang oras matapos silang mag-away, nakita ng kamag-anak ng biktima na nakabitin na ito at wala ng buhay. Allan Bergonia