SUMIPA na sa 77 ang bilang ng mga namatay kaugnay sa Bagyong Glenda.
Batay sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Sabado, 220 pa ang sugatan habang lima pa rin ang patuloy na hinahahanap.
Pinakahuling nadagdag sa listahan ang mga namatay sa Batangas, Quezon, Camarines Sur at Sorsogon.
Umakyat na rin sa 1.6-milyong indibidwal ang apektado ng bagyo.
Aabot sa 518,764 sa mga ito ang nasa higit 1,200 evacuation centers.
Ang pinsala ay lumobo na sa P5,680,756,042. P1,049,931,600 dito ay sa imprastraktura habang P4,810,824,442 ay sa agrikultura.
Sumipa rin ang bilang ng bahay na napinsala ng bagyo sa 111,372. Johnny F. Arasga