SUMIRIT pa sa 64 ang bilang ng mga namatay sa pananalasa ng Bagyong Glenda.
Sa talaan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 103 ang sugatan dahil sa bagyo habang lima naman ang iniulat na nawawala.
Nabatid na ang mga namatay ay mula sa Region 1, 3, 4-A, 4-B, 7 at NCR.
May kabuuang 525,791 indibidwal ang naapektuhan sa pananalasa ni “Glenda.”
Kabuuang 26,259 kabahayan naman ang napinsala ng bagyo na 7,002 ang tuluyang nawasak habang 19,257 ang bahagya lamang naapektuhan.
Nasa mahigit P5.6-bilyon naman ang iniwang pinsala ng bagyo at higit P1-bilyon ang sa imprastruktura habang P4.6-bilyon ang sa agrikultura. Robert C. Ticzon