DALAWANG babaeng estudyante ang patay habang sugatan ang isa pa matapos bumangga ang sinasakyang motorsiklo sa Ayala Bridge kagabi.
Kinilala mga biktima na sina Serena Beth Ocampo, BS Education student at Jane Margarita Lastrollo.
Isinugod naman sa ospital ang isa pang kasama ng mga nasawi na umano’y nasa malubhang kondisyon.
Nabatid na magkakaangkas sa motorsiklo ang tatlo galing Romualdez St. at dumiretso sa Ayala Bridge.
Sa nakuhang impormasyon ng pulisya, minamaneho umano ni Ocampo ang motorsiklo at tinangka nitong unahan ang isang oil tanker dahilan upang tumama sila sa gutter hanggang sa mawalan ng kontrol sa manibela at sumalpok sa steal beam ng tulay.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente. Jocelyn Tabangcura-Domenden