UNTI-UNTING lumakas ang namumuong bagyo na nasa Silangang bahagi ng Northern Mindanao.
Ayon kay PAGASA forecaster Manny Mendoza, nasa kategorya na ngayon bilang tropical storm ang sama ng panahon na may lakas ng hangin na 65 kph at pagbugsong 85 kph.
Mula sa pagkilos nitong pahilaga hilagang-kanluran, naging mabagal ang paggalaw ng bagyo sa nakalipas na magdamag.
Inaasahang papasok ito sa Philippine area of responsibility (PAR) bukas, Sabado.