Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

PNP special team, binuo para sa ‘high-profile’ detainees

$
0
0

BUMUO ng isang special security team ang Philippine National Police (PNP) para magsilbing escort sa mga high-profile detainees na nakakulong sa PNP Custodial Center sa pagharap nila sa korte o magtungo sa ospital.

Ayon kay PNP PIO Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, ang nasabing special security team ay mga police personnel mula sa PNP Headquarters Support Service.

Paliwanag ni Sindac na ang nasabing hakbang ng PNP ay para hindi na magalaw at mai-pullout ang ilang opisyal ng PNP mula sa kanilang duties.

Tiniyak ni Sindac na ang pagtalaga ng security detail sa pag-escort ng mga high-profile detainees ay hindi makaaapekto sa kanilang mga operasyon.

Kabilang sina Senators Jinggoy Estrada at Bong Revilla ang kasalukuyang nakapiit sa Custodial Center, habang si Sen. Juan Ponce Enrile ay naka-confine sa PNP General Hospital. Robert C Ticzon


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>