KINASUHAN sa Department of Justice (DoJ) ang isang negosyante at Customs broker dahil sa iligal na pag-aangkat ng bawang.
Kinilala ang mga suspek na sina Aiza Salise, may-ari ng Good Earth Merchandise at Customs broker na si Antonio Castro Enriquez.
Iligal umano ang importasyon nila ng higit 101,000 kilo ng bawang mula sa Hong Kong dahil wala silang permit o clearance mula sa Bureau of Plant Industry.
Paglabag sa Presidential Decree (PD) No. 1433 o Plat Quarantine Law at Tariffs and Customs Code of the Philippines ang kasong ipinataw sa dalawa.
Matatandaang Hunyo 1 at 12 nang masabat ang mga bawang na nagkakahalagang P30-milyon at unang idineklarang materyales umano sa paggawa ng tsokolate.
The post Smugglers ng bawang, kinasuhan appeared first on Remate.