NAGTUNGO sa himpilan ng Anti-Carnapping Investigation Section ng Quezon City Police District (QCPD) ang mag-asawang biktima ng carnapping kaninang umaga, Hulyo 9, sa Barangay Sto. Cristo, Quezon City.
Sa salaysay ng mag-asawang ayaw magpabanggit ng pangalan, ipinarada nila ang kanilang sports utility vehicle (SUV) na puting Toyota Innova (UHO-490) alas-10:00 kagabi, Martes, bago sila matulog sa harap ng kanilang bahay na nasa Ilocos St. sa nasabing Barangay.
Subalit laking gulat nila sa kanilang paglabas kaninang umaga ay wala na ang naturang sasakyan.
Ayon pa sa mga biktima, walang closed circuit television (CCTV) camera sa kanilang lugar, kaya’t problema nila aniya ang pagtunton sa mga suspek.
Patuloy na iniimbestigahan ng QCPD ang naturang insidente.
The post SUV nakarnap sa harap ng bahay sa QC appeared first on Remate.