Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

NFA, maghihigpit sa pag-deliver at pagbebenta ng bigas

$
0
0

HIHIGPITAN na ng National Food Authority (NFA) ang pagde-deliver at pagbebenta ng mga murang bigas.

Natuklasan ng NFA ang ginagawang repacking ng isang rice mill sa Muntinlupa gayundin ang paghahalo ng animal feeds sa imported na bigas sa Malolos, Bulacan na ibinebenta bilang commercial rice.

Ayon kay NFA Administrator Arthur Juan, hindi lamang sa labas ng NFA sila magsasagawa ng imbestigasyon kundi maging sa kanilang hanay.

Sinabi pa ni Juan na nakikipag-ugnayan na sila sa iba’t ibang mga ahensya ng pamahalaan upang supilin ang lumalagong bilang ng mga kaso ng manipulasyon sa presyo at suplay ng bigas.

Samantala, inamin ng Malakanyang na ilang mga rice traders ang nagbaba na ng kanilang presyo ng bigas dahil sa mga ginagawang pagsalakay ng mga awtoridad sa ilang mga iligal na warehouse at pagdaragdag ng suplay ng NFA.

Gayunman, sinabi ni Presidential Communication Secretary Herminio Coloma, Jr. na patuloy ang isasagawang pagsisiyasat at pagtugis ng pamahalaan laban sa mga hoarders at mga nagsasamantala sa presyo ng bigas.

Dahil aniya sa ginawang hakbang ng gobyerno, nadagdagan ang suplay ng bigas matapos makumpiska ng mga ito ang may 80,000 sako o aabot sa apat na metriko toneladang bigas mula sa iligal na transaksyon ng mga rice traders.

Ngunit sa kabila nito, sinabi ni Coloma na hinihintay pa rin nila ang magiging pahayag ng NFA sa kung sinu-sino ang dapat managot sa pangyayari.

The post NFA, maghihigpit sa pag-deliver at pagbebenta ng bigas appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>