MALAKI ang posiblidad na ilarga na ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang taas-singil sa pasahe sa susunod na buwan.
Ayon sa LRTA, ito’y dahil 2010 pa nakabinbin ang hirit nilang dagdag-pasahe upang matugunan ang pagkukumpuni at pagpapaigting ng sistema nito.
Sinabi ni Atty. Hernando Cabrera, tagapagsalita ng LRTA, hindi na kayang patagalin pa ang dagdag-singil sa pasahe sa LRT gayunman, kanila pa ring hihintayin ang pasya ng Department of Transportation and Communications (DOTC).
Sakaling pagbigyan, P12.00 na ang minimum fare sa pamasahe sa LRT mula sa dating P11.00.
The post Pasahe sa LRT, sisipa na sa Agosto appeared first on Remate.