ASAHAN na ang magaganap na dagdag-bawas sa presyo ng ilang produktong petrolyo sa mga susunod na araw makaraan ang dalawang sunod na linggong umento.
Nabatid na maglalaro sa P0.80 hanggang P0.90 kada litro ang mababawas sa presyo ng diesel.
Habang P0.90 hanggang P1.10 kada litro ang ibababa sa presyo ng kerosene.
Umentong P0.10 hanggang P0.25 kada litro naman ang nag-aabang sa mga gumagamit ng gasolina.
The post Dagdag-bawas sa oil price asahan sa susunod na araw appeared first on Remate.