NAGDULOT ng malaking epekto ang Hurricane Arthur matapos tumama sa southeast Canada kung saan 200,000 kabahayan at ilang business centers ngayon ang walang power supply.
Nabatid pa na may mga flights din ang kinansela dahil sa bagyo particular sa pinakamalaking paliparan sa Halifax, Nova Scotia.
Nakakaranas din ng malakas na ulan at hangin ang probinsya ng Nova Scotia at New Brunswick.
“Arthur had now lost its tropical characteristics and had become more a wintertime-type low,” wika ni Daniel Brown ng nasabing weather center.
Naapektuhan din ang selebrasyon ng mga mamamayan para sa July 4 Independence.
Kinansela ang mga fireworks display sa New Jersey at Maine dahil sa masamang panahon.
The post Canada, nawalan ng kuryente dahil sa ipo-ipo appeared first on Remate.