MATAPOS ilabas mula sa Camp Crame at dalhin sa Asian Eye Center sa Makati kahapon para isailalim sa isang prosesong makahahadlang para hindi ito tuluyang mabulag, dinala naman si Senator Juan Ponce Enrile sa isang Makati Eye Facility kaninang umaga, Hulyo 6.
Sa pagkakataon namang ito, pinayagan ng awtoridad ang 90-anyos na senador na makalabas mula sa pagkaka-hospital arrest para isailalim naman sa post-operative eye check-up.
Tulad kahapon, maaga rin na umalis sa PNP General Hospital si Enrile na sakay sa police convoy at bumiyahe agad patungo sa Asian Eye Institute sa Makati City.
Wala pang isang oras ang naging pagsusuri sa mata ni Enrile at matapos nito ay agad din sumakay sa police convoy para bumalik sa Camp Crame.
Nitong nakaraang Sabado lamang, sumailalim din si Enrile sa isang procedure sa Asian Eye Center sa Rockwell, Makati para gamutin ang mascular degeneration, na maaring magpabulag dito kung hindi maagapang magamot.
Si Enrile ay nakadetine sa PNP General Hospital simula pa nitong Biyernes matapos sumuko.
Nahaharap ito sa kasong graft at plunder sanhi ng umano’y P10-billion pork barrel scam.
The post Enrile ibinalik sa Makati eye facility appeared first on Remate.