INALIS na ng PAGASA ang lahat ng storm warning signal sa alinmang bahagi ng Pilipinas kaugnay ng bagyong Crising.
Sa ulat ng weather bureau, bumilis ang bagyo makaraang hagipin ang dulong bahagi ng Sothern Palawan kaninang umaga.
Huli itong namataan sa layong 200 kilometro sa kanluran ng Balabac, Palawan.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na 45 kilometro bawat oras malapit sa gitna, habang tinatahak nito ang pangkalahatang direksyon pakanluran hilagang kanluran sa
bilis na 22 kilometro kada oras.
Nasa West Philippine Sea na sa ngayon ang bagyong si Crising.