MINAMADALI na ng Department of Justice ang ipalalabas na legal opinion kaugnay pag-angkin ng Sultanate of Sulu sa Sabah.
Kaugnay nito, kinumpirma ni Justice Secretary Leila de Lima na pinag-aaralan na ng kagawaran ang mga polisiya ng mga nakaraang administrasyon kaugnay ng legalidad ng claims sa Sabah.
Ito ay sa hangad na rin na malutas sa mapayapang paraan ang standoff sa pagitan ng mga otoridad sa Malaysia at ng mga tauhan ni Sultan Jamalul Kiram.
Sinabi ni De Lima na wala siyang itinakdang deadline sa pagpapalabas ng legal opinion pero ito umano ay itinuturing nilang prayoridad ng kagawaran na tatangkain nilang tapusin sa loob ng ilang araw.