IPINAG-UTOS ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz ang pagkakaloob ng ayuda sa pamilya ng overseas Filipino worker (OFW) na nasawi sa isang aksidente sa Saudi Arabia noong Hunyo.
Inatasan ni Baldoz ang Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Jeddah, Philippine Overseas Employment Administration (POEA), at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na tingnan ang kaso ng biktimang si Engineer Albert Valencia Bautista.
“I already asked the POLO in Jeddah to immediately send us a report on the police investigation and to give us an update on the salaries and benefits that the OFW must receive from his company,“ ani Baldoz.
Ayon sa DOLE, si Bautista, na idineploy sa Saudi noong Enero 25, 2010 ng Pert/CPM Manpower Exponents Co., Inc. ay nasawi sa isang freak vehicular accident noong Hunyo 4.
Ang kanyang labi, na sinasabing nahati sa limang bahagi, ay kasalukuyan nang nakaburol sa Santana sa Capitangan, Bataan.
Sinabi pa ng DOLE na ni-renew ni Bautista ang kanyang OWWA membership noong Mayo 15, 2012, sa ilalim ng 12-month contract.
Sa kabila naman nang hindi updated ang membership ni Bautista, inatasan na umano ni Baldoz si OWWA Administrator Rebecca Calzado na irekonsidera ang kaso ni Bautista upang makatanggap ito ng death at funeral benefits.
Patuloy namang mino-monitor ng POLO-Jeddah ang developments sa kaso at ina-update ang departamento.
The post Benepisyo sa pamilya ng nasawing OFW sa KSA, ipagkakaloob appeared first on Remate.