KULONG ang isang tanod matapos mangreyp ng siyam-anyos na bata sa San Fernando, La Union.
Kinilala ang suspek na si Isabelo Rilloraza, 34, ng nasabing lungsod.
Nabatid na niyaya ng suspek ang bata na grade 2 pupil lamang sa kanyang bahay para umano magpalipad ng saranggola.
Pero nang makahanap ng pagkakataon ay agad nitong niluray ang biktima.
Nabatid na bago ang panggagahasa sa biktima ay hiniwalayan si Rilloraza ng kanyang misis dahil sa pagiging sex addict nito.
The post Sex addict na hiniwalayan ng misis, nangreyp ng grade 2 appeared first on Remate.