MAY-ARI ng isang tindahan ng mga piyesa ng mga sasakyan ang sinasabing tumama ng halos P218,900,532 halaga na kinubra sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng nag-iisang nanalo ng 6/55 Grand Lotto jackpot nitong nakaraang June 28.
Si PCSO Vice-Chairman and General Manager Jose Ferdinand M. Rojas II ang personal na nag-abot ng nasabing tsekeng pinanalunan ng isang 38-anyos na binata nitong nakaraan Martes na isinagawa sa PCSO extension office sa Pasay City.
Ayon pa kay Rojas, nasabi sa kanya ng jackpot winner na plano niyang palakihin ang kanyang car accessories business at bayaran ang mga pagkakautang niya habang itatabi niya nman ang iba pang napanalunan sa bangko.
Ang winning ticket ay sinasabing sa lotto outlet sa Banawe, Quezon City binili na kilala sa bentahan ng mga spare parts ng mga sasakyan.
Kwento naman ng nanalo na simula pa noong 1995 ay tumataya na siya sa nasabing palaro at tumaya ng P18,480 halaga para sa System 12 Lucky Pick na tinamaan ang numerong lumabas na 04-52-55-38-46-08.
Matatandaang noong nakalipas na Nobyembre 29, 2010, ang 6/55 Grand Lotto na naitalang may pinakamalaking premyo sa Philippines’ online lottery jackpot, na umabot sa halagang P741.17-million na tinamaan ng 60-year-old na Pilipinong nagtatrabaho sa Amerika.
The post Halos P219M solong tinamaan ng binata sa lotto appeared first on Remate.