NAGBUKAS ng panibagong branches ang Social Security System (SSS) partikular sa Batanes upang maserbisyuhan maging ang mga katutubong Ivatan at iba pang residente sa malalayo at liblib na pook ng lalawigan.
Batay sa inilabas na press release ng SSS, sinabi ni Vice President for Luzon Operation Josi Magana, ang Batanes Service Office ay bukas mula Lunes hanggang Biyernes sa mga oras na alas-8:00 ng umaga na magtatapos ng alas-5:00 ng hapon.
Kasama sa serbisyo nito ang pag-iisyu ng SSS numbers at SSS Forms; receipt at proseso ng salary loan application, compliance ng annual confirmation of pensioners program; SSS Web Assistance; at Verification ng membership records at application status.
Tatanggap din ang Batanes SSS ng mga request para sa pagtatama at pag-update ng mga miyembro at employer data, maternity notification at collection lists.
Dahil may 400 registered members ang SSS sa Batanes kaya’t patuloy na tatanggap ang PNB at Land Bank ng SSS Contributions at Loan Payment sa naturang Lalawigan.
The post SSS seserbisyuhan maging mga katutubong Ivatan sa Batanes appeared first on Remate.