TIKOM pa ang bibig ng Malakanyang sa naging desisyon ng Korte Suprema na ideklarang unconstitutional ang ilang bahagi ng kontrobersyal na Disbursement Acceleration Program (DAP).
“We will defer comment until we’ve read the full text of the decision,” ang nakasaad sa text message ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte.
Sa ulat, sinabi ni Supreme Court spokesperson Theodore Te na may ilang bahagi ang DAP na ilegal at ito ay ang mga sumusunod:
*cross border transfers of the savings of the Executive to augment appropriation of other offices outside the Executive;
* funding of projects, activities and programs that were not covered by any appropriation in the General Appropriations Act; and
*withdrawal of unobligated allotment from the implementing agencies and the declaration of the withdrawn, unobligated allotments and unreleased appropriations as savings prior to the end of the fiscal year and without complying with the statutory definition of savings contained in the GAA.
Ang siyam na petitions laban sa DAP ay inihain ni dating Iloilo Representative Augusto Syjuco, lawyers Jose Malvar Villegas Jr. at Manuelito Luna; Philippine Constitution Association (Philconsa); Integrated Bar of the Philippines (IBP); Bayan Muna, Kabataan at Gabriela partylist groups; Christian sector sa pangunguna ng talunang senatorial candidate na si Greco Belgica; Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (Courage); at Volunteers Against Crime and Corruption.
Nagkaisa ang petitioners sa pagsasabing ang discretionary fund ng Pangulo ay malinaw na lumabag sa ekslusibong kapangyarihan ng Kongreso na mag-appropriate ng pondo.
Ang respondents naman ng kasong ito ay ay ang office of the President, Department of Budget and Management at Senado at Kongreso na nagkaisa naman na hilingin sa Korte Suprema na ibasura ang lahat ng petisyon bunsod ng kawalan ng merito.
The post M’cañang no comment pa sa desisyon ng SC sa DAP appeared first on Remate.